Tungkol saken at sa aking blog.

Ang blog na ito ay isang gawa ng napaka walang kwentang computer ko. Hahaha. Kala niyo ako no? Ako si BloggerDude, ang totoo kong palayaw sa net ay Mokx. Ngunit mayroon pa akong isang palayaw sa net na kahet sa totoong buhay ko ay nakakasanayan na ng mga tao. Ang palayaw na ito ay "Elephant Hat" guy o "Elephant Guy". Alam niyo ba kung baket? Hop! yung mga nakasama ko na at alam na e siyempre alam na. Ito, sa mga hindi pa nakakaalam. May sumbrero kase ako. Ang sombrerong ito ay kadalasang gawa sa tsina at sikat ito sa bansang tsina(syempre gawa ito dun eh) at sa bansang japan. Nasaktuhang elepante ito, kaya madaling mapansin ito. Sa katunayan ay sinuot ko sya buong araw sa iBlog7. Yun ang dahilan kung baket nakilala ako bilang sa mga palayaw na binanggit ko sa itaas. Pero tama na sa pagkwento ko sa aking palayaw dahil masyado nang mahaba ang nasasabe ko. Ay! pahabol pa pala. Ito ang aking avatar haha..

Hahaha. Ang cute no? haha. Hmm.. Ang blog na to ay ginawa ko dahil wala lang akong magawa sa oras na iyon at ngayon na napapahilig akong ibahagi sa iba ang aking mga pananaw at mga pangyayare sa buhay ko. Gagawin ko ng diary itong blog na to at ang kagandahan pa nito ay ang pagiging tagalog nito hahaha.. ^_^ 

Kung gusto niyong makonekta ang ating mga buhay sa net. Huwag mahiyang idagdag ako sa mga account ninyo..

FB: hunter_kite_114@yahoo.com
GMAIL: ianbuena081191@gmail.com
Tweeter: TheBloggerDude or ianbuena081191@gmail.com
Plurk: Yanzter08

Blogs:
sharemokko.com (ito ay hindi pa tapos na blog.)

Sa mga gustong magpatulong sa web development. Ako ay pwedeng tumulong sa inyo sa lahat ng mga pwedeng paraan huwag lamang sa pera. ^_^ 

Ito pala ay isang blog na WALANG ADS!!!! Kaya sa lahat ng gustong mag donate ay maligaya kong tatanggapin ang kahit anong donasyon. hahaha