Friday, May 20, 2011

Last day sa office

Ayun! Ito na yung huli kong araw dito sa opisina. Grabe! Mamimiss ko ang mga kulitan dito sa opisina, lalo na ang kulitan nina Juanito Relampagos at Iris Gesmundo. Hehe.. Kung pwede lang akong magtagal pa eh. Nagpapasalamat din ako dahil marami akong natutunan lalo na sa paggamit ng UNIX environment. Natututo akong mag-setup ng SVN server at gumamit narin nito.

Ako'y nagpapasalamat sa GOLETS Travel Inc. sa pagtanggap sa akin bilang isa sa mga OJT ninyo. Sana'y maging matagumpay na kompaniya kayo.

Thursday, May 19, 2011

Nag post before matapos ang OJT

Hahaha.. Grabe, bukas na ang huli kong araw sa OJT ko. Hahaha. Isiningit ko lang ang paggawa ng post dahil wala na akong net sa bahay. Ang hirap ng walang net sa bahay. Di ako makapag research at makapag blog. Napakahalaga pa naman ng net sa pinag-aaralan ko ngayon. Ang pinag-aaralan ko ngayon ay ang paggawa ng website. Oo. Pwede naman gumawa ng website ng walang net sa pamamagitan ng local server. Pero gusto ko kasing tumingin ng mga reference sa net tungkol sa mga syntax.

Hay sa uulitin guys. Salamat sa pagbabasa sa aking mga post.

Sunday, April 24, 2011

Ayun oh!

Ayun oh. Nag karoon din ako ng oras upang gumawa ng mga artikulo sa aking dalawang blog. Gagawa ako ng mga artikulo para sa palaro ni Sir Jehzeel at ng Samsung. Sa katunayan ay matagal ko tong inabangan, ang pagkakataong mag sulat. Marami ang sumisira sa aking mga plano tulad ng mga dapat mga gawin at mga sumusulpot pang iba mga aktibidades.

Mamaya kung matatapos ko lahat ng mga artikulo. Ilalagay ko ang mga link ng mga ito upang kayoy mabigyan ng pag kakataong mabasa ang mga ito.

Saturday, April 23, 2011

Ang aking salita..

Sana naman di matapos ang aking "holy week" ng ganito. Bakit pa kase ganito ang buhay ng isang tao. Andaming pasanin. Sa ngayon andito ako sa aking silid nag-iisip ng kung anu anung bagay. Maraming gumugulo sa aking isipan. Isa sa mga ito ay kung bakit ba kailangan pang mag karoon ng diploma para lang masabing ikaw ay isang karapat dapat na maging empleyado sa isang kumpanya. May nakakatuwa ngang biro sa akin dati. Upang maging janitor daw, kailangan mo pang maging isang Engineer. ANG LUPET! Ngunit hindi ito malayo sa nangyayari ngayon, may mga kompanya o may ari ng negosyo na inilalagay na nila sa kanilang mga panuntunan na ang mga empleyado nila ay dapat nakarating kahit man lang hanggang dalawang taon sa kolehiyo. Anu ba naman iyon!

Tatapusin ko na itong artikulong ito dahil ako'y natatakot sa mga puwedeng kong masabi pa.

Monday, April 18, 2011

Nag-iisip

Hay buhay, nalulungkot ako at natutuwa rin. Alam niyo ba kung bakit? Kase di ako makapagsulat ng aking mga artikulo dito sa aking blog. Masyado akong busy sa aking OJT at kahit man makauwi ako ng 8pm. Hindi ko na magawang makapagsulat dahil siguradong pagod na ako sa oras na to.

Habang sinusulat ko ang artikulong ito. Nag-iisip ako kung panu ako makakapagsulat ng mga aking gustong isulat kahet busy ako sa OJT at ito pa, sa Holy week. Hindi ako makakapagblog din dahil may gagawina kong PROJECT kasama ang aking dating propesor sa ROBOTICS. hay buhay talaga no?

Wednesday, April 13, 2011

My experience with OJT (two days)

English nanaman ang title ng post ko hay. Pero ayaw ko naman palitan ito dahil nag mamadali na ko. Haha. Grabe ang naranasan ko sa dalawang araw kong pag-O-OJT sa Pedro Gil. Isipin mo, sa Cubao pa ko. Grabe ang MRT. Kahet ang laki ko na, nanunulak parin sila. GRABE TALAGA. (Habang ginagawa ko tong post na to, pinagtimpla ako ng aking Mama. Haha ang sweet talaga ng Mama ko.) Kaya ayoko na! May sususbukan akong bagong daan mamaya. ^_^

Saturday, April 9, 2011

What the hell!!! I am really pissed off!!!!!

Anu ba yan.. tagalog na blog na nga to nagawa ko pang english. Hay!!! Nababadtrip ako sa nag review ng blog ko!! Sabi niya panget ang design ng blog ko? Eh ung site nga niya eh di naman ganun kaganda! May 3 ad banner sya sa baba ng site banner niya. Di rin siya marunong mag lagay ng tamang font color sa mga articles niya!!! Kainis! Nag mamarunong, gustong maging critic pero wala naman masasabe. Mag intay ka lang na ako na ang mag review sa site mo! Haizt!

Reminder: Guys. Hindi itong blog yung criniticize nung sinasabe ko ah. Yung http://buzzabout-phantom.blogspot.com ang criniticize niya. Naku. Sisiguraduhin kong marereview ko ang site niya. Irereview ko ang site niya ng patas, PANGAKO ko.

Guys. Sana. Kahet may karapatan tayong ilathala ang ating mga saloobin. Siguraduhin nating patas at nasa tamang panig ang ating mga sinasaloob. Inaamin kong kahit ako ay isang kritiko din. Subalit, ako ay laging nasa tamang panig at sinisihurado kong patas ang aking tingin sa lahat.