Tatapusin ko na itong artikulong ito dahil ako'y natatakot sa mga puwedeng kong masabi pa.
Saturday, April 23, 2011
Ang aking salita..
Sana naman di matapos ang aking "holy week" ng ganito. Bakit pa kase ganito ang buhay ng isang tao. Andaming pasanin. Sa ngayon andito ako sa aking silid nag-iisip ng kung anu anung bagay. Maraming gumugulo sa aking isipan. Isa sa mga ito ay kung bakit ba kailangan pang mag karoon ng diploma para lang masabing ikaw ay isang karapat dapat na maging empleyado sa isang kumpanya. May nakakatuwa ngang biro sa akin dati. Upang maging janitor daw, kailangan mo pang maging isang Engineer. ANG LUPET! Ngunit hindi ito malayo sa nangyayari ngayon, may mga kompanya o may ari ng negosyo na inilalagay na nila sa kanilang mga panuntunan na ang mga empleyado nila ay dapat nakarating kahit man lang hanggang dalawang taon sa kolehiyo. Anu ba naman iyon!
Labels:
My thoughts
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment