Sunday, April 3, 2011

Antok na ko...

Hay inaantok na ako pero natutuwa parin ako sa pakikinig ng mga music at mag praktis ng pag-eedit ng mga picture, pagcreate ng image at ngaun ay susubukan kong gumawa ng flash image. Ang flash image ay isang imahe na may istorya.

Oo, istorya nga. Ibig sabihin ay gumagalaw ang nasa loob, ito ay mga imaheng magkakasunod. Nagawa mo na bang gumawa ng mga drawing sa papel mo? Yung tipong kada page ng papel mo, halimbawa, ang mga pahina ng iyong takda. Kada pahina nito ay may nakaguhit na imahe. Tapos mong maguhitan ang mga ito ay nililipat mo agad ung mga pahina na parang gumagalaw ang mga nakaguhit. Ang ideyang ito ang ginagamit sa paggawa ng flash na image.

Hahaha... pero inaantok na ko ngayon. Sana magawa ko pang makatapos ng kahet isang flash image.

No comments:

Post a Comment